
Friendster??
parang kahapon lang
sigurado sa nararamdaman
bat ngayon bigla na lng naguluhan?
akala ko'y nakausad
yun pala'y pbaliktad
bakit ngaun nag comment lang sa friendster
nawala na naman ang focus sa center
at ang masama pa viniew ko sya
at nagbalak na magcomment pa
anu to? bakit ako tumalon at nasiyahan
ngunit sa bandang huli'y naguluhan.
naisip na tama nga ba ang naramdaman
matapos sya masilyan sa larawan?
bakit hanggang ngayon maganda ka sa paningin
kahit na dapat di na napapansin
ano ba talaga ang dapat kong gawin?
kailangan ko na bang aminin
sa sarili na di ka kayang limutin
at tanggapin nalang na di ka muling mapapasaakin
bakit ba?? di na naman tlga ako umaasa
pero sa tuwing may nangyayaring ganto
parang kinukurot ang puso ko
ako'y natatanga sa sitwasyon
di alam kung anong dapat na reaksyon
papansisnin ba o kakalimutan nlng?
sasagot ba o blanko nalang?
kakalimutan ba o dedma nalang?
hahayaan ba o magpapatuloy nalang?
o sumabak muli upang masaktan?
matagal talaga ka ring iniyakan
nag isa sa kwarto at yakap ang unan
dinamdam ng mabuti ang sakit
dahil sa walang paalam na split
ang tagal na di nag paramdam
nag tetext pero hanggang hi lang
pag ako nama'y nag reply
ang sagot pa rin ay hi!
bakit pa?
di ba matagal ng wala?
anim na buwang pagluha
di pa ba sapat upang ika'y sumaya?
di na talaga ako nag susulat ng tula
pero sa sobrang kalungkuta'y biglang nag simula
senyales ba to ng pagiging broken?
oh talagang ako'y sadyang papansen?
dapat di na ko apektado
sa mga pag paparamdam mo
ngunit pag mamahal sayo'y di mawala
kaya ang tulang ito'y aking sinadya

No comments:
Post a Comment